Keto Diet/Lifestyle sa Pilipinas

Sisig

 

Posible nga ba mag Keto sa Pilipinas?

OO naman! Wala tayong kakulangan sa mga klase ng pagkain para sa keto o ketogenic diet sa Pilipinas.   Kahit na hindi pwedeng kumain ng pagkain na may asukal, ma gawgaw (starchy) na pagkain, kanin, pasta at tinapay, marami naman ibang pwedeng kainin na source ng fat, protein, at mga gulay na non-starchy (walang gawgaw) at mababa ang carbohydrates na mabibili (tignan sa Mga pwedeng kainin ).

Ano nga ba ang Keto?

Ang Keto o Ketogenic diet ay isang uri ng diet na konti ang carbohydrates at madaming ang fats (Low-Carb High Fat).  Nahahawig ito sa Banting (1863) at Atkins diet (1972), Kaibahan lamang ay mas mahigpit ang Ketogenic diet sa percentage ng mga pagkain, binubuo ito ng 75% fat, 20% protein (tama lamang) at 5% ng carbohydrates na nagmumula sa mga gulay na walang starch (gawgaw).

Dahil sa konting carbohydrate sa pagkain, at madaming fat, bababa ang insulin at glucose ng katawan, at mapipilitan itong mag shift sa paggamit ng naipong taba (body fats) bilang fuel. Yan ang pangunahing prinsipyo ng Ketogenic diet.  Ang naipong taba sa katawan ay matutunaw bilang ketone body na Acetoacetate. Acetoacetate naman ay matutunaw at magiging Acetone at Beta-hydroxybutyrate (BHB).  Ang Acetone naman ay mapupunta sa baga at mailalabas sa bibig, malalasahan nyo to pag nangyari. Ang Beta-hydroxybutyrate naman ang magiging fuel ng Brain, Heart & Muscles pamalit sa glucose.

Ikaw ay nasa state of ketosis kapag ang ketone levels mo sa dugo ay sa pagitan ng 0.5 millimolar at 5millimolar tinatawag din itong nutritional ketosis. Ang inyong katawan ay nasa fat burning mode hanggang na me-maintain ang state of ketosis.

Mga Benefits ng Ketogenic Diet

Ketogenic diet does have lots of benefits, I listed few below.

  • Mabilis na pag payat ng hindi nababawasan ang muscles.  Halimbawa si Lebron James, noong 2014, sa pamamagitan ketogenic diet sa loob 67 na araw, nabawasan  siya ng 25 pounds ng hindi nabawasan ang muscles.
  • Pagtanggal Fats – Tinatanggal nito ang fats sa mga area ng Tiyan lalo na ang delikadong Viceral fat, baba, mukha at kung saan pang mga area na may taba, maliban sa subcotanious fat (taba sa ilalim ng balat).
  • Mas maraming enerhiya at mas focus ang pagiisip – Tila mas gusto ng utak at muscles ang Beta-hydr0xybuterate dahil mas focus ang pag iisip pag ito ang gamit, hindi din madaling mapagod pag ketones ang gamit na fuel.
  • Ang pag reverse sa Type 2 Diabetes – Si Dr. Eric Westman MD ay isa sa mga nangungunang doctor na nag rereverse ng Type2 Diabetes sa pamamagitan ng pag advice ng ketogenic diet. Sa pag-aaral (randomized trial) na ito na ginawa nila Dr. Westman makikitang  natanggal o nabawasan ang diabetes medications sa 95.2% na sumailalim sa ketogenic diet kumpara sa 62% sumailalim sa low-glycemic index diet group.
  • Pag iwas sa Cardiovascular Risk  – Sa study na ito, ang mga low-carbohydrate diets (kabilang ang ketogenic diat) ay hindi lang nakapagpapayat, nag imrove din ang cardiovascular risk factor nila dahil bumaba ang Triglycerides at tumaas ang HDL o tinatagawag na good cholesterol nila. Marami pang pag-aaral tungkol dito, pinagsama-sama ko sila sa isang page.
  • Hindi madalas magutom- Hindi ka palaging gutom pag nag ketogenic diet.

Side effects ng Keto

Oo, may mga side-effects din ang keto, pero ito ay temporary lamang. Kailangan mo pagdaanan ang tinatawag na adaptation phase.  Sa  page na ito nilagay ko ang mga paraan para maiwasan ang mga side-effects.

  • Keto Flu – Ito ang pinaka pangkaraniwan na side-effect ng ketogenic diet, dahil sa hindi pa nakakapag adjust ang katawan mo para gamitin ang fats na fuel.  Para ma iwasan ito tignan dito.
  • Headache – Sanhi ng keto flu
  • Weakness – temporary side effects lang ito, lilipas din hanggang maging fat adapted.
  • Fatigue – temporary side effects lang ito, lilipas din hanggang maging fat adapted.

Oktubre 16, 2017 at 7:33 am by PinoyKetoAdvocate